HomeAbout MeAsk me Click MePhotographyGifs
Daily DramaLoveTypographiesDoodlesRantLove Stories
My FacesNurseDrawings

BLOG OF A TALKING CAT
19. ♀. ♍. ✌. NURSE in the future. Blogger. Writer. Composer. Feeler. :P. ASIAN. Filipina. Multi-Talented. Vain. And a bit BiPolar :3
Promote your Tumblr!
I eat, sleep, draw, jump, run, play, && Love.

12 Cat Stalkers

Facebook

FAQSubmit
Theme by: Super Ericat.


Garden : The Ideal Lovestory 

Sa love madalas may hadlang — pero hindi magandang dahilan yun para siraan o sirain ang isang magandang simula :)

——- ** ———

Si Gelo…
Ang pinakamamahal kong lalaki, Ang taong tumayong taga-pagtanggol ko. Siya rin ang aking human handkerchief. Crying Shoulder kumbaga.

Ako?
Ako si Virna. Nursing student, First year college. Lower batch ko si Gelo. Fourth year high school palang siya ngayong school year.

——-**——-

Si Ren.. Ang Ex-Boyfriend ko..
Akala ko siya na talaga, ung feeling na “forever na yata ito”. Pero sabi nga kung sayo, Sayo. kung hindi wag ipilit. Nagbreak kami ni Ren. Sobrang nalungkot ako that time. Wala naman akong magawa kaya nagMove-On nalang ako. Sa mga oras na malungkot ako, Si gelo ang kadamay ko. Introduced lang sakin si Gelo, schoolmate din siya ni Ren. Sobrang closefriend ko narin si Gelo. Siya ang crying shoulder ko that time. Open arms sya everytime na may problema ako. Masaya akong nandyan si Gelo. :))

“Sis! Iba na yata ang feelings ko para kay Gelo.”
“Ayos yan Sis! Inlove ka!” sagot ni Bea sakin.

Gusto ko sanang sabihin kay gelo ang feelings ko pero masama naman tignan kung ako pa ang magtatapat diba?
Nag-antay akong magtapat si Gelo sakin. Pero antagal niya sobra.
Magkaiba yata kami ng feelings ni Gelo. Hanggang friends nalang ba talaga kami?
Hindi rin nagparamdam si Gelo sakin. Kahit text hindi siya nagtetext. Hindi narin muna ako nagtext kay Gelo. Nagbabaka sakaling siya ang unang magtext at maka alala.

(ONE WEEK AFTER)

medyo matagal nadin hindi kami naguusap ni Gelo. Parang gusto kong na ding lumayo sa kanya at hindi na magpakita pa.

(TWO WEEKS AFTER)

“Sis! may text ka!” sigaw ni Bea.
“Sino daw?”
“ahhhhhhhh! Sis! si…..”
“Sino ?”
“Si Gelo! Sis!”

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto kong tumalon sa saya. Wala na kong pakialam sa kung ano mang laman ng message, ang mahalaga naalala nya pa ko..

“Virna, Free ka ba mamayang hapon? May ibibigay sana ko.”

Sobrang dami kong gustong itanong, Bakit ang tagal nyang hindi nagtext? Bakit ngayon lang sya nagparamdam? Pero hindi ko na nasabi yun. Nagmadali na kong replyan si Gelo.

“Okay! Sige, saan ba?” yan nalang ang naisagot kokay Gelo.

Ang tagl ng reply ni Gelo. Isang oras ang lumipas bago sya sumagot.

“sa bahay lang namin, sunduin kita hah?”

Sumagot agad ako,

“Oh! Sige wag na sana tayong gabihin ha!”

Nag reply din agad sya “okay! sige sandali lang naman tayo.”

Tuliro ako ng mga oras na yun. Isang oras nalang pala dismissal na. Naalala ko ang usapan namin ni Gelo. Napangiti ako Excited na ko. Biglang pumasok sa isip ko….
Baka wala lang yun, tambay lang kame.

Kahit pa tatambay lang kami. okay na talaga sakin yun atleast magkausap kami ni Gelo.
NagVibrate ang phone ko. Naku! Si Gelo na to! 

“Ready ka na?” Si Gelo nga
“Oo. pababa na ko sa LG.” 
sumakay na ako sa elevator pagkatapos kong mag-ayos. Paglabas ko ng elevator, nakita ko na kagad si Gelo. Seryosong seryoso siya. Natahimik nalang din ako. Hanggang pagsakay sa sasakyan nya seryoso padin at sobrang tahimik.
Ano bang meron?
Bakit tahimik at seryoso sya?

Hindi ko na talaga natiis nagsalita na ako.

“Gelo? Galit ka ba sa akin?”
“Hindi ako galit may iniisip lang ako.”

Tumahimik nalang ako, hanggang dumating na kami sa place nila. Dun siya nag salita,

“Virna?”
“Oh?”
“Pwede bang i-blindfold kita?” — wierd ng request nya pero sige.
“Sige, kaso baka naman madapa pa ko nyan ahh!”

Una syang bumaba at inalalayan ako pababa ng sasakyan dahil nga naka blindfold nga ko. Sobrang kabado ako sa trip ni Gelo. Hindi ko alam kung anong meron.

“Wag kang magalala Virna! Di ko hahayaang masaktan ka!” bulong ni Gelo.

Nawala ang kaba ko, kumapit nalang ako ng mahigpit kay Gelo. Pati siya namlalamig ang kamay. Parang kinakabahan din. Ano kaya meron?
Tumigil kami sa paglakad.

“Virna?”
“Oh? pwede ko ng tanggalin?”
“Sige tanggalin mo na.”
“WOW!” yan nalang ang nasabi ko pagtanggal ko ng blindfolds. Nasa gitna kami ng isang napakagandang garden. Ang ganda ng view. Sobrang peaceful at syempre…
Sobrang romantic ng lugar.

“Sobrang favorite ko tong lugar na to!” sabi ni Gelo.
“Ganda naman kasi dito Gelo.”
“At sabi ko din, dadalin ko dito ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.”

medyo nakakalito yung sinabi nya,
“What do you mean, Gelo?”

“I love you Virna. Let me show you how much I do. Nawala man ako para mag isip pero here I am Virna, Telling you that I really really love you and I wanna be with you forever.”

Natulala ako sa sinabi nya. o.0
Yinakap ko sya ng mahigpit
” I love you too, Gelo. :)”

Ang sya ng araw na yon sobra.

——-**———

Five years na ang naalipas. Super strong parin kami ni Gelo. Sa loob ng mga panahong iyon, na[agtibay namin ang aming relasyon. Madalas kaming magkasama at syempre minsan minsan nagaaway din pero inaayos din namin kagad.

Ngayon graduate na ko ng BSN. at Registered Nurse, si Gelo naman tuloy sa pag memedicine nya..

Friday Afternoon……. sakto tapos na duty ko .. tumawag si Gelo.

“Wifey? sunduin na kita ahh!”
“sige. sige. hatid mo na ko pauwi :) “
“hindi muna kita iuuwi may dadaanan tayo.”
“okay sige. mabilis lang hah! pagod nadin ako may duty pa ko bukas :) “
“okay sige. I love you Wifey. :)”
“I love you too” ———


Ano nanaman kaya un?

After 10 mins..

dumating na si Gelo. Pag sakay ko sa kotse inaabot nya sakin ang isang blindfolds

“Naalala mo pa to?” tanong nya.

“Ano nanamang trip to? Gelo?”

“Basta! Suot mo na malapit na tayo ee!”

Sinuot ko naman. sabay tumigil na ang kotse. siguro nadun na kami sa pupuntahan namin. Tulad ng dati para makakababa guide ko si Gelo :)
kinakabahan man ako pero nakangiti akong naglalakad na parang bulag.

“wag kang matakot wifey! di kita papabayaang masaktan.” 

tuloy lang kami ni Gelo.

“Wifey! tanggalin mo na!”

Nasa gitna nanaman kami ng isang garden. Nakaluhod di gelo sa harap ko at nagsalita. 

“Virna! will you marry me? Will you be my Forever?? Will you fulfill my promise?”

Na shock ako sa sinabi nya. 

“I do , I do Gelo :)”

Sobrang saya namin dalawa. humingi na kami ng blessings sa parents namin.
At nag plano ng simpleng wedding.

Ang Venue???


Sa GARDEN. ang tanging saksi sa lahat ng masasayang araw namin ni Gelo. 


——— END————-

(This Story is Inspired or totally dedicated to my close friend Virna and Her Boyfriend Gelo. GOODLUCK to the both of you.)

All Rights Reserved 2010:

Writer: Claire Erica Q. Mateo



Regret the Pain: Move on or Be in pain. 

ko si Erica….
Second Year Nursing Student sa FEU-NRMF..
“Ang Hirap naman ng ganito…..”

——————————————————————

Nung Third Year High School ako Simple lang ang buhay.

“Erica, Samahan mo ko sa CR dun sa Elementary.” Sigaw ni Normyll.
“Teka lang tinatamad pa ko eh.” Sagot ko.
“Dali na. sandali lang promise.” Pakiusap nya.
“Sige na. Sige na! Sa labas lang ako ahh! mainit dun ehh.” Muli kong sagot.
“Okay TARA!” Hinatak na ko ni Normyll at hindi na nakatanggi.

“Ano? Dali. Dito lang ako ahh! Dalian mo dyan ahh! baka dumating na si Sir.” Pagmamadali ko sa kanya. “Sige sige wag mo kong iwanan ahh!” Sagot nya. Sabay pasok sa CR.
Habang nag aantay sa tapat ng Kabihasnan Cultural Club, may lumabas na lalaki.
Ung 4th year na tinatawag ni Claire na Kuya! Nagulat ako. Tinawag nya ko.
“Ate!” Sigaw nya.
Kinakabahan ako ng sibra hindi ko alam kung bakit. “Oh? Ano po yun?”
“Ako nga pala si Bryan. Yung 4th year” Pagpapakilala ni Bryan
“Ay! Hello.” ang tangi kong sagot.
“Ate! pwede ko bang makuha number mo?” Tanong nya.
naku! pano ba to? wala akong cellphone.
“Ay! Nakuuu Wala akong Cellphone sa bestfriend ko lang eh!” sagot ko.
“Okay na yan ‘te. makakausap ba kita dyan?” Tanong ulit nya
“Kapag na sa school lang.” sagot ko.
Tinawag sya nung isa pang lalaki sa loob ng room at sakto lumabas nadin si Normyll.

“Ate! Text kita ahh! ano nga pala pangalan mo?” Hiling tanong nya.
“Ah! ako si Erica.” Sagot ko habang lumalakad palayo.
………………………………………………………………………………………………………………

Nagkatext kami ni Bryan, sa tulong ng cellphone ni Normyll.
Nakakapagusap din kami ng personal sa tulong ni Claire.
OO naman kabado ako twing kausap ko siya. Nakakailang. Pero hindi ko alam
kung bakit siguro kasi 4th year na sya at 3rd year lang ako.
Simula nun. Lagi na kami magkasabay umuwi dahil medyo malapit lang
naman ang bahay nila samin.

August 20, 2008
Tipikal na araw para sa lahat. Sakin hindi…..
bakit? binigyan ako Bryan ng kwintas.
Tinago ko yun…….

Sa pag daan ng araw maraming bagay ang nangyari.
ang pagsali ni Bryan sa School pageant. ang tipikal na kwentuhan
minsan tampuhan at ang pinakamahalaga sa lahat…

ang PAG GRADUATE ni Bryan.
Sa pag daan ng summer may cellphone na ko.
Palagi kong katext si Bryan.

—————————————————-

College na si Bryan at 4th year naman na ko. Inaantay ko nalang
na makagraduate at maging College na din ako 

 sobrang excited na ko.
——————————————————-

Decided na kami ni Bryan, na manliligaw sya ng pormal sa bahay namin.
Pumayag naman na ko. Matagal ko na syang kilala at ganun nadin naman sya sakin.

Pumunta sa Bryan sa bahay. Hindi kami mayaman tipikal lang din and bahay namin
pero maayos naman. Ayun pinailala ko sya kay mommy at ganun nadin sa daddy ko
nung una ako ung kinakahan para sa kanya. Kasi nag iisa akong babae kaya hindi ko
alam kung anong irereact ng daddy ko. Pero ayus naman eh! Tinaggap siya ni Daddy.

“Basta sa bahay ka magpapaligaw at papakilala mo samin, walang problema dun.”
yan ang laging paalala ng Daddy ko sakin.

Syempre san pa ba mapupunta yun? Dun din.
Sinagot ko si Bryan.
Nasakanya na lahat ng hahanapin ko.
Mabait. Makulit. Maalalahanin. Matulungin. Gentleman.
Alaskador. Malambing. Matalino. at kung anuano pa. Dalawang bagay na gustong gusto
ko sa kanya? Ung Pagka OLDSCHOOL nya hahah. yung tipong madalas
na mas mahinhin pa sya sakin hahah! kaya kapag pinapakilala ko yun
“oh! si Bryan nga pala Mhie. Girlfriend ko.” Never pang napikon sakin yun. totoo naman kasi.
At ung isa ung alam naman nyang pikon ako aasarin ako nun! as in hanggang sa mapikon
ako ng todo… tapos kapag galit na ko, lalapit na yun.
“Huy!! Panget. bininiro lang kita. Sorry na! Smile na yan.”
Tapos ngingiti ako. Ibig sabihin tapos na yun.
*PANGET: tawagan namin yun eh! bakit ba? haha

————————————————————-

Maraming nagdaan samin. Katulad sa isang Normal na relasyon nag aaway din kami.
hindi naman madalas minsan kasi ung away namin 5minutes lang tapos na. Mas madalas
na puro kasweetan lang.

“Hoy! Panget!! I Love You” Sabi ni Bryan.
“I love you too!” sagot ko sa kanya. kasabay ng isang ngiti.

———————————————————

Ayan GRADUATION ko nadin. Binigyan ako ni Bryan ng Boquet ng Flowers
as usual late sya. hahha 

“Panget sorry! Pina arrange ko pa tong Flowers mo.” ang sabi nya.
“SUS!! hahaha! ayos lang late comer ka na kahit nung high
school sinisi mo pa ung bulaklak.” pangaasar ko
“Kung magsalita ka parang hindi ka nalalate. Ikaw nga ang lapitlapit lang ng bahay nyo,
araw araw ka pang late.” Ganti ni Bryan.

Nagtawanan kami. Nagcelebrate kami sa bahay.
Napagusapan ang course na kukunin ko.

“Nursing nalang mhie, Wala din kasing masyadong kita sa kung mag fifine arts ako.”
sagot ko sa mommy ko.
“Dapat kung anong gusto mo yun ang kunin mong course panget.” sabi ni Bryan.
“Alam mo panget, Limang course ang gusto ko. paano yun?” sagot ko.
“Edi kunin mo lahat.” Sabay tawa si Bryan.
——————————————————————–

Buong Summer nag paturo akong mag gitara kay bryan.
isang bagay na kita tuwa ko sa teacher ko. He never loses Hope and his
faith na matututo ako. Gagawin nya ang lahat para matutunan ko yun
kasi super gusto ko talaga (kahit tamad ako minsan) Ung mga Chords na di abot
ng daliri ko. kinoconvert nya sa powerchords. Which I find sweet. Ayaw nya kong mahirapan.
Medyo natuto naman ako. Kaso….

Nagbago ang lahat ng magumpisa ang college ko.
Kahit ako napansin ko ang mga pagbabagong nagawa ko. Maraming naiba sa
“way of living” ko, at yun ang mga pinagsisihan ko ngayon. Mga bagay na mahalaga
sakin nawala ko pa.

————————————————

“Tita? Ba’t ganun si Panget?” Tanong ni Bryan.
“Baka busy lang,” Sagot ni Mommy.
“Eh! Tita may oras makipagchat, tapos minsanan lang magtext un.” Sumbong ni Bryan.
“Sino ba ang kachat?” tanong ni mommy.
“Ung CYBERFRIEND nya, lalaki tita eh” sagot ni Bryan. (NO NAMES MENTIONED)
“Hayaan mo, aalamin ko kung sino yun. At tska kung sino naman un malamang naman
wala yun, alam mo naman si Erica.” Pagtatanggol ni Mommy sakin.
“Sana nga tita.” Sagot ni Bryan

————————————————

Si Cyberfriend ay nakilala ko sa isang chatroom, we became friends kasi
same time kami ng pagpasok sa chatroom so kami kami ung palaging
magkakausap. Mabait sya, “kuya-kuyahan” ko yun kaya there was never
a ME and HIM. FRIENDS lang talaga kami.

————————————————

“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ko.
“Natatakot lang akong mawala ka!” Sagot nya.
“Eh, Hindi naman ako mawawala nuh.” pabirong sagot ko.
“Pinaparamdam mo kasing wala ka! You’re so COLD…” Naging seryoso ang tono ni Bryan.
“I’m busy, I got school, chores, assignments and anything else. What’d do want me to do?”
tanong ko sa kanya.
“Time lang, Panget. Konting time lang and I’d be very happy, yang *cyberfriend mo? I proved
na friends nga lang kayo, Cause I talked to him.” Sagot nya.
“dba? sabi ko na sa inyo.. wala yun. ikaw! I’m not cheating on you.. You better trust me
or else…….” ang sabi ko.
“Or else what??.. Oh! well tama na ‘tong usapan na to, ayokong umabot tayo dun at tuluyan
kang mawala sakin. Sorry na panget.. Okay lang sakin na kapag andito ko nagaaral ka,
okay lang sakin yun.. all I need is to be with you!” Pakiusap ni Bryan.
“Fine! You are Forgiven, Just promise na may TRUST ka na sakin,” demand ko.
“I do trust you and I madly need you Panget.” Sagot ni Bryan.
“I need ……….

YOUR SCENT! Bango natin ah!!” Sabay tawa na kami, balik sa dating lambingan at
kulitan. Akala ko OKAY na ang lahat pero I got worse pa pala ako.

————————————————–

Days past by, Hindi ko na napapansin si Bryan. Pero hindi sya nagrereklamo
dahil sa mga sinabi ko. He stayed by my side hindi nya ko iniwan. In his own way
He did everything to help me and make my work easier.. Yes! I admit it, I was a total
dumb. Nasa tabi ko sya palagi but I was like there’s no one there.

———————————————-

NEW YEAR’S EVE (2009)..

the day I really regret. He gave me choices but I was a big jerk to
break up with him. Sobrang magulo ang utak ko that  time. He promised na..
“Hindi na ko ag gigirlfriend kung hindi rin ikaw,” He qouted.

**

Now.. I really Regret all the pain He felt. Ako ang dahilan ng lahat ng sakit
Ang tagal nya kong pinagtiisan. Miss ko na ung BIRTHDAY NAMIN , yes! magkabirthday kami.
Miss ko na ung asaran namin. Miss ko na talaga sya,

July 12. 2010
Maraming Bagay na ang nangyari. I’m brave enough to tell him I want him back.
I miss him and I still love him.
But……

Nalaman kong huli na pala ang lahat…. may bago ng girlfriend si bryan.
Nasira nya ang pangako nya o bsks nakalimutan na nya talaga yun. Nakakausap ko
ung girlfriend nya. Nung nakausap ko ung girl. Puro smile ung tinatype ko
pero para kong sinasaksak. Sobrang sakit, ung taong nasakin na pinakawalan ko pa.

Hanggang ngayon. Bigla nalang tumutulo ung luha ko. Kasi sa lahat ng
sulok ng Bahay kahit san ako magpunta naalala ko sya. Siguro hindi ako dapat masaktan kasi
gimusto ko daw yun. pero minsan, nararamdaman ko ung sakit eeh.
yung tipong akala mo andyan lang sya inaaytay na maging ready ka.
Pero wala na pala may iba na sya, Yung TShirt na niregalo
niya sakin nung christmas.. hinding hindi ko na susuotin.

Alam kong wala na ang lahat at nagawa ko na ang mga bagay na mali, siguro
nga nabaliwala ko sya. I just wanna THANK you And say Sorry!

“Not all fairytale has their own happy ending.” -Erica Mateo



Regret the pain 2: Happiness vs. Memories 

Move on or be in pain. (sequel)

Ako nanaman to… Si Erica.
Siguro nga may mga bagay na talagang nakatadhanang mangyari, para matuto ang isang tao. Siguro nga natuto na ko.

—-
Matapos ang ilang buwan ng pagpupumilit ko sa sariling kong maging masaya mas lumala pa ang sitwasyon ko. Mas naawa ako sa sarili ko. Mas feeling ko magisa lang ako sa mundo. Iisang tao lang ang nasasandalan ko nung mga panahong yun. Si Geo ang bestfriend ko sa FEU. Siya ang madalas kong iyakan at kwentuhan. Siya yung tipo na kahit paulit-ulit makikinig yuun. 

“Geo?”
“Oh? Ano pusa!? Malulungkot ka nanaman.” tanong nya.
“Hindi naman iniisip ko lang isang buwan nalang debut ko na.” sagot ko
“Edi maganda. Kainan na!! Anong plano mo ba!?” follow-up question niya.
“parang ayoko ng mag party eeh. Pizza nalang, kaso once in a lifetime na yun.” sagot ko.
“yung nga lang bespren, pero nasasayo naman yun.” payo nya sakin.


Kahit nasa klase todo isip padin ako. Araw-araw na ginawa ni Papa Jesus, yung debut ko iniisip ko. Hindi naman yung gastos ang iniintindi ko. Kundi yung mga taong iimbitahan ko. Kung papupuntahin ko ba yung taong nagturo saking magmahal at masaktan, Si Bryan. Bahala na. Ewan ko. Wala naman syang ginawa saking masama, mali lang talaga yung desisyon ko nung mga panahon na yun. Bahala na si Batman. Magdedebut ba ko o hindi nalang.

Nagsurvey ako sa lahat ng kaibigan ko sa lahat ng kakilala at kaibigan ko. Kung DEBUT O PERA O HONGKONG ba!? May mga sumagot ng pera at HongKong. Yung daddy ko sobrang boto sa HongKong, pero karamihan talaga DEBUT daw kasi once in a lifetime daw yun. Hindi na daw mauulit yun, ang pera maibabalik ang debut hindi na.


August

Nagumpisa na kong magplano ng tahimik. Ayoko kasi ng matao. Hanggang ngayon kasi daig ko pa ang nagluluksa dahil sa katangahang pagpapakawala ko sa taong pinakamamahal ko pala. Iniisip kong imbitahan sya kaso…

Naayos ko na ang lahat yung venue, menu, programme, yung gowns ko, yung sound system na gagamitin, mga kitchen utensils at iba pa. Isang bagay nalang ang kulang ko… Sinong isusulat ko na LAST DANCE.
Isa lang tao lang naman talaga ang pangalan na gusto kong ilagay dun. Kaso ang tanong pupunta ba sya? Papayag ba syang isayaw ako. Baka hindi naman. O baka isama nya pa yung bago nyang girlfriend sa debut ko at lalo pang gumuho ang maliit kong mundo. Iniisip ko tuloy minsan bakit ba kasi kita pinakawalan tanga ko talaga. Pero pinipilit kong isaksak sa utak ko na hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Hindi talaga.

Paikli ng paikli ang oras ng paghahanda. Bukas september na. Pano na?! Ayy. Bahala na sya nalang lalagay ko.


September
Eto na yun ehh. Napagpasyahan kong icelebrate ng Sept. 18 yung birthday ko. Hindi na kasi ako kampante sa date na 20. 9th monthsary kasi nila bryan yun. Aba!! Sinakto pa ng birthday namin mga impaktaaa…
Wala naman akong magagawa. Hayaan nalang sya. Masaya na yata sya dun. 

LAST DANCE:
John Bryan Stroup

Wala akong nagawa. Sya padin nilagay ko, automatic? Hindi ko din mapigilan, kahit ayokong ilagay.. Yun padin pinalagay ko parang baliw lang. Brrr!!
Onga. Nalagay ko nga sya sa invitation. Pano ko ibibigay?
Haaaaay! Life? Why so hard?

Kaylangan ko nga pala ng envelops para dun sa invitations. 
Papasama nalang ako kay tita malou sa Miriam Webster sa bayan. Mabilis lang magbabayad na sana kami…
“Tita?! Si Bryan yun diba?” sabay turo dun sa lalaking nakamotor na papasok ng subdivision namin. Kinabahan ako bigla.
“Dali ekang, bayad ka na para maabutan namin” sagot ng tita ko. Sobrang nagmamadali ako nag abot ako ng 500php sa cashier.
“maam wala po ba kayong smaller bill? Kasi magpapalit pa po ko sa labas nito” tanong sakin nung kahera. Naku naman! Bakit ngayon pa to? 
“Ate? Wala talaga. Pano bayan?! Nagmamadali ako.”
“Teka lang Mam ha!! Itatakbo ko po muna to, pagpapalit ko muna.” sabi nung kahera.

Wala. Hindi ko na aabutan yun. Tsss! Hayaan mo na. Sayang sasabihin ko na sana na kasama sya sa 18 roses ko. Na siya ang last dance ko. 

“Ohh! Mam eto na po.” sabay abot ng sukli ko.
“Osige, Salamat po!” sabay alis kami ni tita. Halos patakbo na kami, para lang mahabol sya. Kaso pagdating namin sa gate ng subdivision wala na sya. Nabawi yung excitement ko, natahimik ako. Tumingin ako sa paligid. Hinahanap ko sya. Wala. Pero teka..
“tita!!! Kay Bry yun. Sure ako. Asan kaya sya?” sabi ko kay tita.
“haay nako mag FB na nga lang tayo sa internet shop dito sa bayan para makagetover ka.” sagot nya sakin.
Hindi parin ako kontento.
Sa unang internet shop. Walang bakante. Dun kame sa katapat na shop. Pagbukas ko ng pinto…
“ecay!” isang pamilyar na boses ang tumawag sakin
Naka tingin kasi ako sa lapag. Sino ba yun?
Pagtingala ko. Si Bbrryy… 
“Oh? Andito ka pala.” kinakabahan ako ah. Bakit kaya?
“Ahh! Nagpapaprint ako eeh. Para sa tugtog namin.” sagot niya. “Ahh! Ganun ba?” sagot ko. 
“Nga pala?! Hindi nga pala ako makakapunta ha. Wag kang magalala labas yung girlfriend ko. Kasabay kasi nung tugtog namin sa Gen.San ung debut mo e.” biglang nanginig yung katawan ko.
“Okay lang. Okay lang ano ka ba?” naluluha na ko. Kaya tumalikod nalang ako. Sabay sabi ng 
“Sige una na ko ha! Goodluck sa tugtog” sabay labas sa pinto. Kasunod ko si tita malou tahimik kaming naglakad pauwi. Nawala yung kagustuhan kong mag internet. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko ng ibuhos yung luhang naiipon pero nakakahiya. Pinipilit ko pa ngang magpatawa eh. Kaso wala talaga. “Tita? Muka akong tanga kanina.” naluluha pa ko. “Hindi ko pa sya naiinvite ng personal. Dinecline na nya kagad. Saket tita. Ilang buwan kong plinano. Sabi nya sakin dati na sa debut ko nalang daw nya ako isasayaw. Binasura nya yung pangako nya.” sobrang sama ng loob ko hindi ko na napigilan yung buhos ng luha ko. Iniyak ko na kay tita lahat. Hanggang sa makauwi kami. Itinago ko yung luha ko sa parents ko kahit alam nila na isang bagay lang naman ang iiyakan ko. Paguwi ko. Ngiti Lang ako…

     Bukas na ang debut ko. Hindi ko maramdaman na masaya ako o naeexcite.

September 18, 2010
    Pag gising ko parang normal lang. Natataranta si mommy. Namalengke na, naguumpisa na mag hiwa. Ako? Normal lang. Paggising… Toothbrush, text, lakad lakad, kain ng snacks, pagpatak ng 8am nagumpisa na kong magdecorate. Lobo. Upuan, nagkalat na crepe papers at kung ano ano pa. Hapon na pala. 3pm na. Dumating yung sound system na inarkila ko. Set up na. Yung lights and sound. Madilim ang langit ng mga alas kwatro. Naiiyak na ko, inuumpisahan na kong ayusan ng make up buhok. Sabay umulan. Naiyak na ko.
“ang malas ko naman.” sabi ko sa sarili ko.
Tuloy san dance ako. Paglabas ko. May nagoffer pala ng tent samin. Feeling ko nasagip ako tumila ang ulam lumabas ang mga bituin ang ganda ng gabi. ;) Mga 7pm nag umpisa na. Bumaba ako galing sa bahay nila mommy ely. Lahat ng tao nakatingin sakin. Feeling ko ako lang ang tao nung mga oras na yun. Ang saya ko. Habang on going ang program. Antay ako ng antay. Baka niloloko lang kasi ako ni… Baka talagang dadating sya. Natapos ang 18 candles, next na ang 18 roses. Okay lang kahit hindi na sya ang last dance si Bespren Mhycko nalang. Natapos din ang 18 roses, wala padin sya. Nawalan na ko ng pagasa hindi na talaga sya dadating. Bago magumpisa ang debut ko humingi ako ng sign kay lord.
“papa jesus, kapag hindi sya dumating ng birthday ko. Wala na talaga. Move on ko.” 
Hindi sya dumating. Hindi sya nagparamdam. Nung gabing yun 4 lang ang may alam kung bakit hindi ako mapakali. Si tita malou, Hanii, Geo at Mhycko. Lahat sila mga bestfriend ko. Gustong-Gusto kong malasing nun. Gusto kong makalimot. Wala eeh. Pinaasa ko ang sarili ko. Natapos ang birthday ko. Andame kong regalo nagkagitara pa ko. Pero yung tanging hiling ko. Hindi ko nakuha. :(

Pag gising ko kinabukasan. Hinatid ko sa sakayan  yung mga kaibigan ko na nakitulog samin. Yung 2 natira will stay with me hanggang hapon. Bonding lang. Isa beses nahuli ako ni Geo na nakatulala…
“hoy!! Babae!! Lalim ah.” sita nya sakin.
“Onga ee. Sabi ko kasi kay papa jesus kapag hindi sya dumating sa birthday ko wala na talaga move on na ko.” naluluha ko pang sabi kay Geo.
“Ikaw talaga!! Pwede ba. Andamedameng nagkakagusto sayo pero baliw na baliw ka dyan sa Bryan na yan. Bukas makikipag usap at kilala ka na sa ibang boys.” sagot ni geo.
“Bruha!! May pasok. Basta. Tama na lahat to. Magmomove on na talaga. Bahala na sya.” pagpapalakas ko sa sarili ko. May pasok kinabukasan kaya nung hapon umuwi narin sila Geo. Ako? Todo aral may quiz kasi kami kinabukasan.

September 20,2010
Ngayon talaga ang birthday ko. Ang birthday namin ni Bryan. Naalala ko nanaman sya. 
“ano ka ba!! Wala na sya sa isip mo. Okay? Okay. Happy 18th Birthday Ehkay! Tanda ko na pala!” natawa nalang ako sa sarili ko. Binati ako ng mommy ko. Actually konti nalang bumati sakin ee. Kasi nga akala nila yung 18 yung birthday ko. So. Parang tipikal ma aral lang. At may pasok pa pala ko. Pumasok ako. Sikreto yung birthday ko yung mga kaclose ko lang nakakaalam. Binati nila ako. Syempre lecture for the day. Pagdating ng 4pm uwian na. Pagdating ko sa bahay parang normal na araw lang talaga. Bihis. Daldalan. Ayan assignment time na. Habang gumagawa ako ng assignment may taong dumating. Pamilyar ang boses.
“Hi tita!!” pagkakasabi nung boses na narinig ko. Napatingin agad ako. Nagulat ako ng makita ko si Bryan sa pintuan namin. Kinabahan ako bigla. Kaba talaga. 
“Happy Birthday Ehkay!” bati nya sakin.
“ah! Salamat. Happy birthday din sayo.” sagot ko. Kaylangan kong magtaray. Dapat wala na kong feelings para sa kanya. Dapat parang bato lang.
“napadaan ka? Baka magalit si Roxy nyan ah!” sabi ko 
“hindi ako bahala dun.” sagot nya sakin.
“ano tita? Gusto mo ng cake? Tara ehkay bili tayo ng cake.” aya nya sakin. “hindi sige salamat. Marami kaming cake dito. Tska kay pambili naman ako.” sagot ko.
“Erica!! Ano ba yan.” sita sakin ni mommy.
“ang taray mo na ah! Porket 18 ka na!” nakangiting sabi nya sakin.
Pano ba ‘to. Ang hirap nito ah! Labanan ang sarili. Pero masaya talaga ako kasi hindi nya nakalimutan ang birthday ko. Siguro nga wala sya nung debut. Pero nandun sya nung birthday namin. Pero hindi. Move on na ko eh. Next chapter na ko.
“sige magpapalit lang ako. Bibili nadin ako ng siomai para may chicha ako.” sagot ko. Tandaan mo Erica! Dapat parang bato.
Nung paalis na kami. Nakita nya si tita.
“tita malou inom tayo ah, pagbalik ko!” aya nya.
“sige bahala kayo.” sagot ni tita.
Paglabas namin. Nasa tapat kami ng motor nya. 
“oh? Ano? Sakay na” sabi nya.
“Mag tricycle nalang ako. Kita nalang tayo sa bayan.” sagot ko.
“nyeh! Ano kaya yun. Baka naman ayaw mo kong kasama o kay umiiwas ka.” sabi nya.
“hindi ah! Bakit kita iiwasan?” sagot ko.
Wala na kong nagawa. Sumakay din ako sa motor. Pagpark namin sa tapat ng STI campus kaylangan naming tumawid. Maramirami pa yung mga sasakyan. Nakakatakot. Hindi parin kasi ako marunong tumawid ng kalsada. Napilitan akong kumapit sa likod ng tshirt ni Bryan.
“Oh!? Bakit?!?” tanong nya.
“Hindi parin kasi ako marunong tumawid.” sagot ko.
“nakita kita one time nakatawid ka dito magisa.” sagot nya.
“Nilakasan ko lang loob ko. Hindi kasi ako makakaalis sa kinalalagyan ko. Wala pa namang masyadong tao. Inantay ko yung panahon na konti nalang yung mga sasakyan.” sagot ko.
“Akala ko marunong ka ng tumawid eh.” nakangiting sabi nya.
“Hindi. Nakikisabay lang ako sa tao. O kaya lakasan lang ng loob.” sagot ko. Habang naglalakad kami papuntang robinson…
“Hindi ka padin nagbabago Ehkay!” sabi nya sakin.
Hindi ako nagsasalita. Deadma lang kunware. Nagtataray nga ako dba? Pagpasok ng robinson. Pumunta sya ng red ribbon. Ako nasa siomai house tapos mister donut. 
“okay ka na?” tanong ni Bry.
Tumango lang ako sabay lakad. Habang nakasakay sa motor pauwi. Tahimik lang. Hindi rin kami naguusap. Hanggang sa makabalik sa bahay. Pagpasok sa bahay. Nahalata yata ng mommy ko na hindi kami nag uusap ni Bry.
“oh? Iinom kayo dba?” tanong ni mommy.
“ah. Sila lang po mhie hindi po ko iinom.” sagot ko.
“ano ba yan ang KJ ah! Kasali naman ako.” sabi ng tita malou.
” oh sige sige. The bar na strawberry lang ako ahh.” sagot ko para hindi naman KJ. Bumili kagad sila Bryan. Ang bilis nila. Hindi naman talaga ko umiinom. Mabilis din akong malasing. Napakababa lang ng tagay ko ata nakadalwang the bar kame.   Aaminin ko naman kasi na nalasing talaga ko. As in lasing na lasing. Yung tipong hindi na ko makatayo ang lakas na ng boses ko. Pinagtutulungan na nila ko. Kung ano ano na ang sinasabi ko!! 
“eh kasi naamam! Hindi naman talaga ko dapat iinom. Nakakahilo.” kahit ako natatawa sa sarili ko! :p
Hanggang pinarinig na ni tita malou yung cinompose kong kanta para sa kanya. Pero ewan ako ang saya ng pakiramdam ko. Hanggang sa nasabi kong…
“atleast natupad yung wish ko sa birthday ko.” sabay lumabas na kame ni Bryan at tita malou. Iniwan kami ni tita malou naguusap kame ni Bry.
“ano ba gusto mo sa birthday mo?” tanong nya.
“hindi naman mahalaga sayo yun no! Walang magbabago kahit sabihin ko.” sagot ko. Puro totoo yung sinasabi ko nung mga panahon na yun.
“hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari. Lalo pa sa ganitong panahon.” sagot nya.
“tantanan mo nga ako. Walang magbabago.” pilit kong sinasagot.
“sabihin mo kasi para malaman natin kung may magbabago.” pangungulit nya.
“ano ba talagang gusto mo.” kulit talaga.
“IKAW!” sagot ko. “Ikaw ang gusto ko para sa debut ko pero wala ka. Magmomove on na sana ko kaso dumating ka ng birthday ko. Eh! Isa sa mga sign ko yun eh.” dagdag ko.
Natahimik kami. Parang may patay walang nagsasalita. But he broke the silence.
“makukuha mo rin yung gusto mo. Antay kalang.” sabi nya sakin. Kinabahan ako bigla.
“Ano?! Baliw!!!!” sagot ko.
“Antay ka lang Ehkay. Makukuha mo rin yung gusto mo.” inulit nya pa.

“Erica!!!!” tinatawag na ko ng daddy ko.

Nawala yung lasing ko. Nawala yung hilo ko nung hinalikan nya ko sa labi sabay sabing…
“happy birthday Ehkay! Antayin mo ko ah. Hintay lang ah! Makukuha mo din gusto mo.” sabi nya.

Natulala na ako.
Nunga nakahiga na ko.
“siguro nga. Siguro nga dapat muna kong magantay. Salamat sa sign papa jesus. Sya na nga!!! Sabi ko kasi kpag hindi sya dunating ng birthday ko. Ehh!! Ngayon palang birthday ko. At dumating sya. Dumating sya.” hanggang nakatulog ako ng nakangiti.


Writer:
Claire Erica Mateo



Pag-ibig nga naman. 


Lahat tayo darating sa punto na magmamahal. May nagmamahal ng sobra, may sapat lang, meron namang kulang. Habang binabasa mo itong post ko, sa buong mundo mayroong dalawang puso ang nagtagpo at nagdesisyon na ingatan at nangakong hindi magiiwanan. Meron namang dalawang tao na patuloy nagmamahalan at masayang nagtatawanan. Meron din naman na patuloy na pinaglalaban ang kanilang sinumpaan at meron namang handa ng tapusin ang kanilang sinumulan at bitiwan ang kanilang pagmamahalan. May isa naman dyan na patuloy pa din naniniwalang may darating na tao para sakanya na tutulungan siya pagalingin ang mga sugat niya na dulot ng hindi magandang karanasan, meron namang natakot na magmahal, naduwag, napagod at ang pinakamasaklap… sumuko.

Masarap ang pakiramdam ng nagmamahal. Yung tipong may isa kang rason para gumising ng maaga. Yung may concrete na taong malalapitan mo sa tuwing down ka at kung kailangan mo ng support at payo. Yung tipong magakatext kayo hanggang umaga tapos makakatulog ang isa sa inyo tapos pag agising ninyo mahal na mahal ninyo pa din ang bawat isa. Yung tipong makakasama mo maglakad, magkahawak kamay, makakahalikan, makakayakapan sa tuwing pakiramdam mo malamig. Yung may sense of belonging. Ang sarap lang diba? Ang gaan lang sa pakiramdam. Pakiramdam mo sa mundong punong puno ng kapintasan at hinanakit, lahat yun nababalewala, feeling mo pa almost perfect na kapag kasama mo siya.

Mapalad ang isang indibidwal na nahanap na ang kanyang kapareho na makakasama nya at mamahalin siya at mag stay sa kanyang piling habang buhay.Ngayon, may mga taong hanggang ngayon nakikipagsapalaran pa din sa paghahanap at paghihintay sa taong makakasama nilang habang buhay, patuloy na naniniwala na somewhere somehow may taong nararapat sakanila. Ikaw, kung nahanap mo na? Payo ko lang sayo, ingatan, alagaan mo, pagyamanin at pasalamatan mo, alam mo kung bakit? Minsan lang kasi magmahal ang tao ng totoo.



Page 1 of 1